Posts

Showing posts from June, 2021

Mga Pwedeng Trabaho o Pagkakitaan ng mga Nanay o Tatay na Nasa Bahay, Pandemic Man o Hindi

Image
Madami akong nababasa sa mga mommy groups na hindi sila makapagtrabaho kasi walang magbabantay sa mga anak nila. Pero dear parents, baka hindi niyo pa alam, marami na ngayong online work at online business na pwede mong gawin kahit nasa bahay ka lang. Kaya ang magtrabaho at kumita habang nag-aalaga ng mga anak habang nasa bahay ay hindi na imposible. ðŸ‘Œ Unahin muna nating pag-usapan ang online work... Narinig ko na ang online work, pero wala naman akong tinapos, pang-matatalino lang yan... Mga nay at tay, yung karamihan sa mga ibibigay kong halimbawa ng online work ay hindi nangangailangan ng college diploma. Ang mga employer kasi sa online work ay halos taga-ibang bansa at hindi big deal sa kanila kung nakatapos ka man o hindi. Ang mahalaga ay may maipakikita kang skills. Halimbawa, gusto mong maging online graphic artist. Hindi mo need ng diploma sa fine arts. Basta creative ka at magaling mag-design, pwede ka pa ring matanggap. Sa online work, ang mga employer ay mas may pakialam sa