Posts

Kulay Itim na Dumi ni Baby? Wag Muna Mag-Panic

Image
Sanay tayo na ang dumi ng ating mga baby ay kulay dilaw, maberde-berde, o kulay brown. Pero paano kung naging kulay itim ito? Ibig bang sabihin nun ay may sakit ang ating mga sanggol? Posibleng oo, pero posible ring hindi. Bakit nga ba nagiging kulay itim ang dumi ni baby? 1. Dahil sa kanyang kinakain Bago muna mag-panic at dalhin agad si baby sa pedia o ospital, isipin muna kung ano ba ang naipakain mo sa iyong baby. May mga pagkain na nakapagpapaitim ng kanilang dumi. Halimbawa nito ay saging, berries, prunes, at grapes. Share ko lang mga nay at tay experience namin. Noong first time naming pinakain si baby ng saging, kinabukasan ay tumae siya ng kulay dilaw pero may bahid na kulay itim ang kanyang dumi. Yung pagka-itim niya ay parang guhit-guhit, may tuldok-tuldok din. Aakalain mo na yung itim-itim sa dumi niya ay mga bulate. Medyo kinabahan kaming mag-asawa. Pero kalma lang din kami kasi wala namang ibang mga sintomas si baby. Masigla siya, yun nga lang, may itim-iti

Jirapi's EQ Dry Tape Diaper Review

Image
EQ Dry Tape Diaper Review After maubos ng isang pack ng EQ Pants (read review ), ang triny naman namin kay baby ay yung EQ Dry. Sa pagkakaalam ko, ang EQ Dry ay yung pangmalakasang tape diaper ng EQ. Tatlo kasi tape diapers nila: EQ Colors, EQ Plus, at EQ Dry. Yung EQ Colors, pinakamahinang klase ng tape diaper nila, yung EQ Plus yung midline, then yung EQ Dry yung premium. Magsusulat din ako ng review about EQ Plus, pakihintay na lang. Hindi ko rereviewhin yung EQ Colors kasi hindi ako bumili noon at plastic daw ang backsheet nun. Ayaw ng asawa ko yung mga plastic. So balik na tayo sa topic. Worth it ba bumili ng EQ Dry Tape Diaper? Here's my EQ Dry Tape Diaper review. EQ Dry Tape Diaper Review Packaging and design. Minsan, nakakalito rin bumili ng EQ diapers sa grocery stores kasi ang dami nilang products. Pero kapag bibili kayo ng EQ Dry, madali lang naman madistinguish sa iba. Malaki yung pagkakasulat ng "EQ Dry" sa packaging at may toddler na nakasalamin

Jirapi's GOO.N Tape Excellent Dry Review Philippines

Image
Jirapi's GOO.N Tape Excellent Dry Review Philippines Here's another diaper review. This time, yung GOO.N Tape Excellent Dry ang sinubukan namin for our baby. Ang GOO.N Tape Excellent Dry ay ang premium tape diaper ng GOO.N. Ibig sabihin, ito yung pangmalakasang tape diaper nila. If nagdedecide kayo mga nay at tay sa pagbili ng diaper brand na ito, basahin niyo muna ang aking review, baka makatulong. GOO.N Tape Excellent Dry Review Philippines Packaging and design. Ang binili namin na diaper ay yung large size. Bale may dalawa siyang available prints sa isang pack. May prints na sheep at fish. Cute naman. Pwedeng pang-boy or girl. See below para sa actual pictures: GOO.N Tape Diaper Front Prints GOO.N Tape Diaper Back Prints Fitment and sizing.  Binili ko yung large diaper na GOO.N noong kaka-1 year old pa lang ni baby. Large na si baby sa iba't ibang diaper brands pero masyado pang malaki ang large size ng GOO.N sa kanya noon. So tinabi ko muna ulit at

Mga Kailangang Ihanda at Dalhin sa Ospital Kapag Manganganak

Image
Mga Kailangang Ihanda at Dalhin sa Ospital Kapag Manganganak Moms, share ko lang yung mga isinilid ko sa hospital bag ko noong malapit na ako manganak. Kulang-kulang din naman kasi yung ibinibigay na listahan ng ospital. 😅 Bale 1 backpack at 1 large tote bag lang ang dala namin. Yung ibang mga nakalista rito, binili lang namin sa labas kaya baka magtaka kayo kung paano nagkasya lahat ng mga sinabi ko sa dalawang bags lang. Inilista ko na lang din para hindi kayo ma-short sa budget in case na may kailangan pala kayo bilihin sa labas. Note: Applicable lang eto mga ma sa hospital setting ah. Yung tipong 2-3 days ka mag-stay sa ospital kahit normal delivery. Kung sa lying-in clinic kayo manganganak, mas kontian niyo na lang ang dala. Ang alam ko kasi, parang hanggang 24 hours lang pinag-iistay sa clinic kapag normal delivery. Kung CS naman kayo, mas marami siguro kayong dapat dalhin kasi mas mahaba ang stay niyo sa ospital. Baby Things Unahin muna natin yung para kay baby.

An Unbiased EQ Pants Diaper Review

Image
EQ Pants Diaper Review Bumili ako ng maraming diaper lines ng EQ sa Lazada. Ito-ito yung mga binili ko: - EQ Pants - Genius Pants - EQ Plus - EQ Dry My EQ diaper haul! Ang hindi ko lang binili ay yung EQ Colors, kasi nabasa ko sa reviews, plastic ang back sheet niya. Ayaw ng asawa ko para sa baby namin yung mga diaper na may plastic back sheet. Kaya naman kahit napaka-affordable ng EQ Colors, hindi ko na lang siya binili. Pero ewan din. Kung sakaling magipit kami, siyempre dun kami sa mas mura. EQ Pants Diaper Review So, eto na yung review ko sa EQ Pants diaper. Bale large yung binili namin. Sana makatulong ito sa pagpili niyo ng diaper para sa inyong baby. Packaging and design.  Since maraming diaper lines ang EQ, baka malito kayo sa pagbili sa grocery store or online shop. Kung naghahanap kayo ng EQ Pants diaper, eto yung may green at blue na packaging. Hindi ko na napicturan yung binili ko, pero eto ang itsura niya: EQ Pants: What it looks like! Kumpara