Posts

An Unbiased EQ Pants Diaper Review

Image
EQ Pants Diaper Review Bumili ako ng maraming diaper lines ng EQ sa Lazada. Ito-ito yung mga binili ko: - EQ Pants - Genius Pants - EQ Plus - EQ Dry My EQ diaper haul! Ang hindi ko lang binili ay yung EQ Colors, kasi nabasa ko sa reviews, plastic ang back sheet niya. Ayaw ng asawa ko para sa baby namin yung mga diaper na may plastic back sheet. Kaya naman kahit napaka-affordable ng EQ Colors, hindi ko na lang siya binili. Pero ewan din. Kung sakaling magipit kami, siyempre dun kami sa mas mura. EQ Pants Diaper Review So, eto na yung review ko sa EQ Pants diaper. Bale large yung binili namin. Sana makatulong ito sa pagpili niyo ng diaper para sa inyong baby. Packaging and design.  Since maraming diaper lines ang EQ, baka malito kayo sa pagbili sa grocery store or online shop. Kung naghahanap kayo ng EQ Pants diaper, eto yung may green at blue na packaging. Hindi ko na napicturan yung binili ko, pero eto ang itsura niya: EQ Pants: What it looks like! Kumpara

MamyPoko Pants Extra Dry Unisex Review Philippines: Ang Pangmalakasang Pants-Type Diaper

Image
MamyPoko Pants Extra Dry Unisex Review Philippines Masugid talaga kami na taga-subok ng lahat ng diaper lines ng MamyPoko brand. Yung mga sumusunod, eto yung mga nasubukan na namin: - MamyPoko Extra Soft Tape Diaper (Read my review ) - MamyPoko Pants Extra Dry for Girls (Wala pa akong review) - MamyPoko Pants InstaSuot (Wala pa akong review) - MamyPoko Pants Lovely Day and Night (Read my review ) This time, we tried MamyPoko Pants Extra Dry Unisex for our baby. It is MamyPoko's premium pants-type diaper pero ang design ay pang-unisex. Before kasi, may pang-boy at pang-girl sila. Hindi ko lang sure kung iphaphase-out na nila yun kasi pansin ko, hindi na sila nagrereplenish ng stocks sa Lazada or Shopee ng smaller sizes. Mga XXL at XXXL na lang ang halos natitira. So eto nga. May bago silang diaper pants na MamyPoko Pants Extra Dry Unisex, yung kulay mint green ang packaging. Actually, nagdalawang isip akong bilhin ito kasi yung MamyPoko Pants Extra Dry for Girls ni

MamyPoko Pants Lovely Day and Night Review Philippines: MamyPoko's Above Average Diaper Line

Image
MamyPoko Pants Lovely Day and Night Review Philippines Favorite ko talaga i-try ang lahat ng diaper lines ng MamyPoko brand. Ang unang diaper line na na-try namin for our baby is yung MamyPoko Extra Soft Tape Diaper  (read my review here ). So noong ni-release ang MamyPoko Pants Lovely Day and Night, agad akong bumili sa Lazada. Sa pagkakaalam ko, ito yung above average nilang diaper line. Kumbaga mas powerful daw ito sa kanilang MamyPoko Pants InstaSuot (yung color yellow ang packaging). Na-try na rin namin yung InstaSuot pero hindi ko napicturan noon kaya hindi ako makasulat ng review. Pero naka-line up na siya sa diaper stocks ni baby. So eto munang Lovely Day and Night ang i-review natin. MamyPoko Pants Lovely Day and Night Review Philippines Packaging and design . Pag-usapan muna natin ang packaging and design niya. So far, so cute. Nagustuhan ko yung orange and green packaging niya. Karamihan kasi ng packaging ng halos lahat ng diaper brands ay color blue. Kumbaga, fres

A Super Honest Review About QPants Baby Diaper

Image
QPants Baby Diaper Review Na-engganyo ako bumili ng QPants baby diaper kasi tadtad ang Facebook newsfeed ko ng ads nila. Bukod dito, yung mga fino-follow kong mga parent blogger ay prino-promote ang QPants. So by the time na naubos na yung current stocks ko ng baby diapers, bumili ako ng 4 packs (15 pcs/pack) ng QPants sa Lazada. I'm very excited to try QPants to my baby kaso nadisappoint ako, pati na rin asawa ko. 😔 Absorbency experiment reviews on QPants If magsesearch kayo mga nay at tay ng mga review about QPants baby diaper sa Google or sa YouTube, mapapanood niyo yung mga review na binubuhusan yung QPants ng tubig para ipakita na okay siya mag-absorb. Super convincing talaga.  Kaso mga nay at tay, o kay naman talaga mag-absorb ang karamihan ng diaper brands kapag sa ganoong experiments lang. Nakalatag lang kasi nang flat ang diaper sa isang surface, at siyempre, even din ang distribution ng tubig sa diaper kasi nga naka-flat lang. Pero how about kapag suot

Paano Painumin ng Tubig si Baby

Image
Paano Painumin ng Tubig si Baby Noong first try namin pinainom ng tubig si baby, uminom naman agad siya. Ang problema, after 4-5 sips sa feeding bottle, nasasamid siya. Dahil siguro sa walang lasa ang tubig, hindi niya alam kung kailan siya magprepreno sa pag-inom kaya nasasamid. Medyo natakot akong painumin ulit si baby ng tubig, kasi every time na iinom siya, laging nasasamid at sobrang namumula ang mukha niya. Kaya I temporarily stopped giving water. Pero dahil alam kong need din talaga ni baby uminom ng tubig, nag-research ako ng ibang ways kung paano painumin ng tubig si baby ng water. 1. Magdagdag ng tubig sa katatapos lang na ininumang feeding bottle. Formula feeding si baby, kaya nainom siya ng milk via baby bottle. Since nahihirapan si baby uminom ng pure water, naisipan kong dagdagan ng tubig ang baby bottle niya after uminom ng gatas. Then i-shashake ko na lang. That way, magkakaroon ng kaunting lasa yung tubig dahil sa leftover milk. Mga 1 ounce lang ng